Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Thursday, July 11, 2013

BIG Part 1 Ano Ang Solusyon Sa Kahirapan Sa Pilipinas? Day 317


Kung Hindi Ngayon, Kailan?




Link to the Survey that says the Philippines has a High Poverty Rate:
http://www.interaksyon.com/business/60614/fat-free-economics--why-nscb-poverty-stats-are-more-reliable-than-sws-figures

Ang Pilipinas ay isang bansa kung saan ang kahirapan ay palasak.

Ang mga survey ay pwedeng i- exagerrate para sa rason na financial at pangsariling kapakanan, pero ang  itinatanong ko sa aking sarili ay:

Kailangan bang payagan natin na magkaruon ng kahirapan sa kahit na saang parte ng mundo gayong binibigyan tayo ng lupa ng produkto na ipinapamahagi ng pantay-pantay sa lahat?

Hindi ito dapat payagan.

Ang rason kung bakit tayo ay nagngangangawa tungkol sa politika ng pagkagutom ay dahil pinapayagan nating  magkaruon ng hindi pantay- pantay na bahagi ang bawa't isa.

Meron ba tayong magagawa para ihinto ito?

Oo naman.

Kailangan lang nating baguhin ang pinagmumulan ng ating pananaw, at kung bakit mayroong problema - tingnan kung ano bakit tayo nabubuhay at ang pagbibigay ng solusyon.

Nabibigyan natin ng solusyon ang mga problema natin sa opisina at sa bahay kadalasan.

Kaya nating tingnan ang problema ng ating bansa at kaya nating mabigyan ito ng solusyon

Sa pag iimbestiga ng problema, kailangan nating gawin ang sumusunod:

Una, kailangan nating baguhin ang ating pinagmumulan ng ating pananaw.

Galing sa panimulang punto na tayo ay nabubuhay sa isang mundo na hindi pantay-pantay ang pagtingin sa lahat ng tao pinawawalang sala ang lahat sa pagkakaruon nito dahil sa Takot Magutom , kinakaya na lamang ang kung ano ang dumating.

Patungo sa panimulang punto na nabubuhay tayo base sa pagkapantay-pantay ng lahat na nilalang dito sa mundo  kung saan ang Buhay ng bawa't isa ay pinahahalagahan ng lahat at dahil dito ginagarantiyahan na ang lahat ay mayroong Basic na Income para mabuhay.

Pangalawa, kailangan nating tingnan ang Pangunahing Prinsipyo ng Buhay, at ito ay:

ANO ANG MAKABUBUTI SA LAHAT

Lahat tayo ay pantay-pantay na isinilang dito sa mundo - ito ang punto ng ating pagkakaruon ng pantay-pantay na share sa lahat ng resources na ibinibigay sa atin ng lupa.

Sa ating birth certificat nakasulat kung saan tayo isinilang, at dahil dito alam natin na meron tayong mga resources galing sa lupa sa bansa na iyon na susuporta sa lahat ng naninirahan dito - tao, hayop at halaman na nabubuhay dito

Isang krimen ang patanggap ng hindi pantay-pantay na distribusyon ng mga resources na ito na galing sa lupa na ibinigay na pantay-pantay sa ating lahat.

Kailangang i - honor natin ang ibinigay sa atin ng lupa sa pagbibigay ng pantay-pantay na access dito sa mga resources na ito - kung saan binibigyan ang lahat ng access sa basic na pangangailangan natin para mabuhay.

Ito ay ating karapatan dahil parepareho tayong isinilang sa mundong ito

Binigyan tayo ng lupa ng pantay-pantay na karapatan sa mga resources na ito para lahat tayo mabuhay at hindi ilan lang.

Merong sapat para sa bawa't isa

Ang problema ng kahirapan ay hindi dapat andirito

Ano ang Solusyon?

Nas loob ng problema makikita ang solusyon

Pangatlo, itanong natin sa ating sarili, 'Bakit may problema?

Ano ang tunay na rason bakit tayo may problema?

Kapag na identify natin ito, mabibigyan natin ng lunas ito

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This