Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Tuesday, July 23, 2013

BIG Part 4 Paano Matitigil ang Kahirapan Sa Pilipinas?: Ang Gobyerno Day 326





English Blog
http://junejourneytolife.blogspot.com/2013/07/big-part-4-how-can-we-eliminate-poverty.html

Philippine News
Asian Journal
Palace To Conduct Periodic Review of Cabinet Officials
http://asianjournal.com/news/palace-to-conduct-periodic-review-of-cabinet-officials/

Mayroong pasasalamat sa puso ng mga opisyal dahil ibinoto ito ng mga mamamayan na nagbigay sa knila ng kasalukuyang pwesto, ngunit itong pasasalamat na ito ay hindi tunay na pasasalamat

May isang materyal na transaksyon na namamagitan sa mga tao at ng mga inihalal nilang opisyal ng gobyerno.

Itong relasyon na ito ang nag -uudyok  sa mga government officials para magkaruon ng magandang record  at sinasabi nila sa mga tao na masaya sila na na-se-serbisyuhan nila ang mga tao. Maganda ang tunog ng kanilang pananalita at para bang nararamdaman natin na nagmamagandang loob nga sila, ngunit ang mga salitang ito ay nag-i-influence  
para sila iboto ng mga tao dahil ang tunog ng mga salitang ito ay galing sa kanilang puso. Hindi natin alam na ang power ng mga salitang binibigkas natin.


Ang mga talumpati ay manipulated. ito ay kadalasang isinusulat ng isang tao na binigyan ng trabaho para isulat ang mga talumpati na ito upang itaguyod ang pananatili ng opisyal na ito sa kaniyang pwesto para magkaruon ng pera at power - kadalasan para ma re-elect ang opisyal na ito, hindi dahil tumatayo siya kung ano ang makabubuti sa lahat ngunit dahil ito ang makapagbibigay sa kanila ng pera at power.

Pinaniniwalaan natin ang mga salitang binibigkas ng mga politiko dahil ang mga salitang ito ay nakakakumbinse - kapareho ito ng pagbibigay sa atin ng ating magulang ng matamis na kakanin o chocolate at matatamis na salita para ubusin natin ang ating pagkain sa plato kahit na hindi natin ito gustong kainin o para gawin natin ang ating homework. 

Hulaan ninyo kung sino ang mga tumatakbo para magkaruon ng pwesto sa gobyerno o para maging opisyal? Mga anak nating lalaki at babae.

Coincidence ba ito? Hindi.

Kailangan ba nating sisihin ang mga magulang? Hindi. Ang pagsisi kaninoman ay hindi isang solusyon

Ang politiko ay politiko dahil sa mga salitang alam nito.

Ibuka natin ang ating mga mata at tingnan natin kung paano pinapaikot ang ating mundo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita sa media. Kailangan nating bigyan ng bagong kahulugan ng ating mga salita na walang positibo o negatibong interpretasyon. I-structure natin ang mga salita ayon sa likas na kakayahan sa pag-aaral na katulad ng likas na kakayahan ng bata na natutong gumapang, lumakad, magsalita at sa bandang huli ay mag-isip para tiyakin na ang ating anak ay mayroong matatag na pundasyon para sa pagbuo ng character nila at bokasyon (boka-bularyo) na nakakaaliw na malaman na ang ating trabaho ay nagdedepende sa mga salitang ating binibigkas - bilang poliko, bilang inhinyero, bilang doktor atbp.  

Ang politiko ay politiko dahil sa mga salitang alam nito. Ganun din ang doktor, inhinyero atbp.

Tayo ay manipulated ng mga salita ng iba kung saan ito ay nagiging bahagi ng ating belief system na nagiging bahagi ng ating value system.

Hulaan ninyo kung saan natin nakikita ang mga opisyal ng gobyerno na nagtatalumpati? Tama ang hula ninyo, sa TV at sa media.

Hulaan ninyo kung ano ang ipinapakita sa tv kapag nagtatalumpati ang mga opisyal na ito ng gobyerno? Maga larawan ng mga opisyal ng gobyerno na tumutulong sa komunidad na para bang ginagawa nila ito para sa kabutihan ng lahat.

Ang gobyerno ay isang grupo - isang grupo na nag fa-function katulad din ng mga normal na businass organization. ito ay public relations. Ang ginagawa ng mga politiko ay kung ano ang makabubuti sa kanilang partido na nakaupo sa gobyerno.

Ngunit ito ba ang makabubuti sa lahat na nandito sa mundo?

Ang tanong ay:

Ang epektibo ba na Governance ay tungkol dito?

Hindi ba ang epektibo na governance ay tungkol sa pagtayo sa kung ano ang makabubuti sa lahat at ang paggawa ng lahat nating makakakaya  para makasiguro tayo na matitigil natin ang kahirapan kung saan wala ng taong maghihirap sa isang bansa kung saan ang natural resources na ibinigay ng lupa ay pantay - pantay na pakinabangan ng lahat - kung saan ang lahat ay nabubuhay ng may dignidad at ang lahat ay mayruong kinikita na garantisadong dadating buwan buwan?

Hindi ito tungkol sa pagbaba ng porsyento ng kahirapan base sa statistics  magmula singkwenta porsyento patungong trenta - i singko at ang pag yayabang natin na ginawa natin ang lahat para mapabuti ang statistics ng kahirapan sa ating bansa. Nangangahulugan lang ito  ng ating re-election at nangangahulugan ito na meron tayong malaking pwersa, popularidad at pera.

Ito daw ang kahulugan na ang isang bansa ay mabuti ang katayuan sabi ng nakararami.

Tumututol ako na ito ang kahuluga na ang isang bansa ay mabuti na ang katayuan.

Ang statistics ay isang public relations propaganda machine.

Itong statistics na ito ay fake. Ito ay ginagamit para mapaniwala ang publiko na ang lahat ay mabuti sa isang bansa  ngunit ang hindi nila ipinaaalam sa mga tao ay kung ano ang motibong nakatago sa loob ng kanilang isip - ang takot na bumaba ang statistics kung saan nangangahulugan ito na hindi sila ma-re-re-elect  at nangangahulugan ng pagkakaruon nila ng maraming pera para mabayaran ang kanilang mga bodyguard, katulong, driver, pagpa-party atbp.

Ang pagkakaruon ng kayamanan para sa sarili  o kung paano nagagamit ang posisyon para suportahan ang kanilang business interest o kung paano i-retain ang kanilang  power para manalo sa kompetisyon na makikita natin sa political rivalry ng ating bansa.

Ang pagtaas ng statistics ay nangangahulugan ng re-election ng mga opisyal sa gobyerno.

I-si-na-suggest ko sa publiko na itigil ang pananaginip ng isang mabuting buhay para lang sa sarili - at kung saan ang mga korporasyon  ay nagbibigay  ng abuloy para sa kampanya ng mga opisyal kapalit ang pagtataguyod ng opisyal sa kanilang business interest - kung saan iilan lang ang nabibiyayaan dahil sa makasariling pagnanasa na magkaruon ng maraming pera, profit at power.

itigil na natin ang pag-imagine ng magandang buhay sa ating isip. Ang reality ay andito sa harap natin. Huwag tayong maniwala sa kung ano-ano man ang nasa ating isip. Ito ay ilusyon, kung hindi mabuhay tayo sa tunay na mundo kung saan tinatalakay ang mga tunay na problema at binibigyan ito ng tunay na kalutasan

Tingnan natin ang facts.

Ang katotohanan ay, para tayo magkaruon ng gobyerno na tunay na nagrerepresent ng makabubuti sa lahat ng mga tao, kailangang nating bigyang lunas ang kahirapan sa ating bansa. Ilagay natin ang ating sarili sa pwesto ng mahihirap. Kung ayaw nating maghirap - ayaw din nila maghirap. So, kailangang alisin natin ang paniniwalang ang kahirapan ay 
parte ng buhay. Hindi ito totoo. Binigyan tayong lahat ng sapat na pagkain ng lupa, hindi para lang kumain ang iba kung hindi para magkaruon ang lahat ng access sa basic na pangangailangan para mabuhay - pagkain, damit, bahay, health-care, malinis na tubig, transportation atbp. Kailangan din nating alalahanin na ang mga halaman at hayop ay kailangan nating itrato na kapantay nating lahat.

Matagal na ring panahon na naniwala tayo na ang buhay ay isang panaginip. Kurutin natin ang ating sarili para tayo ay magising sa katotohanan at gawin natin ang tunay na values sa pamamagitan ng paggamit ng mathematics. 

Ang buhay ay isang mathematical equation, 1+1=2.


Hindi ito tungkol sa numero at statistics na ginagamit natin para tayo manalo o umupo sa pwesto

Ito ay tungkol sa pamumuhay na kapantay ng bawa't isa kung saan lahat tayo ay nananalo - hindi ang ilan lang.

Binigyan tayo ng lupa ng sapat na resources para tayo mabuhay, at hindi para mabuhay tayo ng masagana habang ang iba ay nagdurusa sa kahirapan at kawalan ng trabaho na nangyayari sa kasalukuyan, ngunit  para tayong lahat ay mabuhay ng matiwasay kung saan ang lahat ay nabubuhay ng matiwasay at lahat ay mayroong tinatanggap na sweldo na garantisadong dumadating - ang BIG (Basic Income Guaranteed).  

Nakasalalay sa ating lahat  ang responsibilidad na tiyakin na ang resources na ibinigay ng lupa ay naipapamahagi ng pantay-pantay sa lahat katulad ng intensyon ng kalikasan, at kung hindi natin gagawin ito makasisiguro tayo na ang gobyerno ay magiging isang money making machine para sa mayayaman lamang.

Magkakaruon lamang tayo ng effective na government  kung ang mga salitang ginagamit natin ay bibigyan natin ng bagong kahulugan na nagsasaad ng tunay na ekspresyon ng buhay. Makikita natin ito kapag tumingin tayo sa kung ano ang nangyayari sa tunay na buhay kung saan wala ng naghihirap. 

Ang kahulugan nito ay hindi limitado sa pagsasaad na ang gobyerno ay binubuo ng mga taong namamahala ng isang political unit lamang kung saan ang mga ito ay kinikilalang mga espesyal na tao dahil sa kanilang kaalaman, pera, pwersa atbp. Mga taong ibinoto kung kaya may pwersa. Ang mga taong ito ay andito para ipaglaban ang karapatan ng lahat at ito ay makikita sa pagbibigay ng pantay-pantay na share sa mga resources na ibinigay sa atin ng kalikasan para ma enjoy nating lahat ang buhay na ito.

Itutuloy

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This