Sa Part 1, isinulat ko ang tungkol sa kung ano ang kailangan nating gawin upang malampasan ang mga limitasyon natin na ipinataw natin sa ating mga sarili sa loob ng ating isip upang malunasan natin ang ating pagdurusa sa madaling panahon.
Ito ang mga suggestion ko:
1. Baguhin ang ating panimulang punto mula sa Takot na hindi tayo mabubuhay kapag wala tayong pera patungo sa Pagkakaruon ng Tiyak na Basic Income kung saan may katiyakan na mabubuhay tayo ng may dignidad
2. Mabubuhay tayo na isinaaalang - alang natin kung ano ang makakabuti para sa lahat
Sa blog na ito, titingnan natin kung bakit ang kahirapan ay isang problema sa Pilipinas. Ito ay gagamitan nating ng sentido kumon.
1.
Ang unang nakita ko ay, ang mga salita na ginagamit natin ay mula sa mga 'point of view' ng mga tao, base sa takot na mawalan ng pera - mawalan ng pagkain, hindi makapag-aral, hindi lumigaya atb. Mga opinyon na base din sa takot- kung ano and dapat gawin at hindi dapat gawin para mabuhay - at hindi ito nagpapahayag ng tunay na ekspresyon natin.
Tingnan Natin Ang Kahulugan Ng Salitang, ' Filipino'
Tingnan natin kung paano ang salita humahantung sa diksyunaryo:
Lahat tayo ay inianak dito sa mundo, dahil dito, tayo ay pantay-pantay. May karapatan taong lahat sa resources na ibinibigay sa atin ng lupa
Ang prinsipyo na 'kung Ano ang makabubuti sa lahat'
Ang pababago ng ating pananaw magmula sa takot na hindi mabuhay o takot na magutom
patungo sa garantiyang mabubuhay ka at hindi ka magugutom (BIG : Basic Income Guaranteed)
Ang kahulugan na binibigay natin sa mga salita ay naghahayag ng pananaw natin sa ating sarili, sa ibang tao at sa mundo.
So, tingnan natin ang kahulugan ng salitang 'Filipino'
Ang kahulugan ng salitang 'Filipino' batay sa diksyunaryo :
isang katutubong ng Republika ng Pilipinas
Ito ay dapat isama ang isang paliwanag sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging native ng isang bansa.
Ito ay naghahayag na ang bawa't isang 'Pilipino' ay may halaga na kapantay ng halaga ng buhay.
Kung kaya, dapat lamang na bigyan siya ng equal na share sa mga resources na ibinibigay ng lupa dahil ibinibigay ng lupa ang mga resources na ito sa ating lahat equally.
Tingnan natin ang Phonology o tunog ng salitang 'Filipino':
FILIP - I- NO
Ikinonekta ko ang salitang Filipino sa pangalan ng Haring Espanol na nagcolonize sa Pilipinas - si King Philip (katunog ng salitang 'Filip') III
Nakita ko ang mga Espanyol bilang isang superior na lahi na ang tingin sa Pilipino ay inferior. Dahil dito binigyan ko ito ng meaning na may negatibong halaga at na-experience ko ito sa isang negatibong paraan . Ikinonekta ko din ito sa mga salitang mahirap, corrupt, maingitin atb.
Sa kabilang banda, mayroon akong alaala ng pagiging 'masaya' sa pakikisalamuha ko sa aming pamilya at ng mga kaibigan ko sa Pilipinas, pagkain ng native na kakanin at pagkakaroon ng picnic sa beach. Nai -konekta ko ang mga alaalang ito sa mga salitang binigyan ko ng positibong halaga na hindi naman tunay na kahulugan ng salitang ito kung hindi mga positibo at negatibong eksperiensya na guni-guni sa aking isip base sa takot - na hindi mabuhay.
Dahil sa positibo at negatibong kahulugan na ibinigay ko sa salitang ito, nararanasan ko ang kasayaha at gayun din ang kalungkutan depende sa mga salitang naririnig ko o nababasa na ikinonekta ko sa salitang ito. '
Kaya, bibigyan ko ng panibagong Kahulugan ang salitang 'Filipino'
Filipino
Ang isang katutubo ng Isla sa Philippines
Ang bawa't isang native sa Pilipinas ay may karapatan sa ibinibigay na resources ng lupa.
Mahalaga ding marealize natin na ang lupa sa Pilipinas ay may sustansya na katulad din ng lupa sa alin mang bahagi sa mundo.
Ito ay ibinigay upang suportahan ang kaligtasan ng pisikal natin na katawan.
Ang hangin, ang tubig, ang langis, ang koryente atbp. ay ibinigay sa ating lahat para gamitin natin at tulungan ang ating katawan na mabuhay.
Sa susunod na Blog, titingnan natin kung ano ang ating ginagawa sa mga likas na yaman sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.