This is a Translation of this Blog:
http://networkedblogs.com/N14jA
Maraming mga paraan upang kumita ng pera - sa kasamaang-palad ito ay hindi pa rin sapat upang makita ang bawat sambahayan na magkadamit, mapakain at mabigyan ng edukasyon.
Siguro hindi ito dahil sa kawalan ng sapat na trabaho, dahil ito sa wala tayong sapat naconsiderasyon sa ating kapwa tao at iba pang nilalang dito sa mundo. Hindi natin isinasaalang-alang ang epekto ng ating choices- personal, propesyonal, pangnegosyo o pampulitika.
Hindi natin ganap na isaalang-alang ang damdamin, kabutihan o likas na katangian ng mga tao, mga hayop at halaman na bahagi rin ng ating buhay.
Hindi natin isinasaalang-alang ang disenyo at implementasyon ng ating economic framework.
Hindi natin isinasaalang-alang ang istraktura ng ating educational systems.
Hindi natin isinasaalang-alang kung ano ang laman ng ating pagiisip.
Hindi natin isinasaalang-alang ang rehabilitasyon ng mga taong mapangabuso.
Ang lipunan ay isang testamento sa mga plano na hindi masyadong pinlano o inisip.
Sa kasamaang palad hindi natin kayang aminin sa ating sarili na maaari nating gawin itong mas mabuti, kaya pinapalipas natin ang araw at inuulit natin sa ating sarili ang mga salitang ito, "Ito na ang pinaka mabuting buhay na alam ko at wala na akong alam na bubuti pa kaysa dito.' Ganyan talaga ang buhay. Ginawa talaga itong ganito. Talaga?
Kung sino ang tututol sa pundasyon ng ating lipunan ay babansagan na isang heretic, luko-luko o maysira sa ulo - dahil sa hinamon ang ating paniniwala na hindi tayo pwedeng maging mahusay sa mga bagay na may halaga.
Oo mabilis tayo mapaniwala na makakagawa tayo ng mas mahusay na tsokolate, pagkain, fashion, mga pelikula, gumawa ng mas maraming pera - maliliit na bagay na may impact sa maliit na porsyento ng buhay dito sa mundo.
Itanong mo sa amin kung ang aming mga pang-ekonomiyang mga prinsipyo na maaaring mabago upang ihinto ang kahirapan - kabaliwan!
Ito ang aking masasabi sa inyo: Ang buhay ay hindi dapat maging ganito. Ang buhay ay hindi dapat maging laging pagdurusa o pakikibaka.
Ang buhay ay hindi dapat maging walang tutol na pagtanggap sa pananakot, pang-aabuso, pagsasamantala, pagdaraya, pagsisinungaling o ang kabaliktaran nito.
Ang buhay ay hindi dapat maging punong-puno ng mga justifications o pag-ayon sa anumang bagay na mas mababa kaysa sa pinakamahusay na posibleng buhay para sa bawat tao na nabubuhay sa mundo.
Ang buhay ay isang gantimpala o regalo - bakit hindi natin ituring ito na na ganito?
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.