Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Tuesday, July 16, 2013

BIG Part 3 Ang Solusyon Sa Kahirapan Sa Pilipinas Day 320 Ang Yaman Ng Lupa





English Version:
How Can We Eliminate Poverty In The Phiilippines: Part 3
http://junejourneytolife.blogspot.com/2013/07/big-part-3-how-can-we-eliminate-poverty.html

Tingnan natin kung anong nangyayari sa Natural Resources sa Pilipinas:

Langis
PNOC
http://en.wikipedia.org/wiki/PNOC

Tubig
NAWASA
http://en.wikipedia.org/wiki/Water_supply_and_sanitation_in_the_Philippines

Elektrisidad

NPC
http://en.wikipedia.org/wiki/National_Power_Corporation

Ang Hangin 

Transportasyong Pangkalawakan

Philippine Airlines
http://en.wikipedia.org/wiki/Philipine_Airlines

Sa Part 2,  Tiningnan natin ang Unang PROBLEMA:

Unang Problema:
Ang mga salita na ginagamit natin ay mula sa mga tao na may positibo o negatibong pananaw sa buhay, na base sa takot na mawalan ng pera - takot na mawalan ng pagkain, hindi makapag-aral, hindi lumigaya atb. Mga opinyon na base din sa takot-  kung ano and dapat gawin at hindi dapat gawin para mabuhay - at hindi ito nagpapahayag ng tunay na ekspresyon natin.

Sa blog na ito, titingnan ko ang IKALAWANG PROBLEMA:

Ang mga likas na yaman sa Pilipinas ay nasa kamay ng mga korporasyon kung saan ang mga profit sa benta ng mga natural resources ay hindi napupunta sa mga tao. Ang mga korporasyon ay kailangang paalalahanan na ang mga profit sa pagbebenta ng kahit na anong ibinigay ng lupa ay dapat sumakamay ng mga tunay na shareholders - Ang mga Pilipino, dapat nating matanto na kung ano ang natatanggap natin, kailangang ibigay natin o ibalik natin ito sa itinalaga ng lupa na tagapagmana ng mga ito- dahil binibigay ng lupa ang mga natural resources bilang pagsuporta sa mg tao na mabuhay, dahil ito ay parte ng Buhay na ito - bilang tao na isinilang dito sa mundo na kaisa nating lahat.

Huminga tayo ng malalim at ipagtanto natin ang kahulugan ng buhay at kung ano ang papel natin dito sa mundo. Ito ba ay upang suportahan natin ang lahat para mabuhay o gumawa tayo ng paraan para tayo lang ang mabuhay at isawalang bahala ang  iba base sa Takot nating hindi mabuhay ang ating pamilya sa kawalan ng pera na pambili ng pakain atb.?

Tingnan din natin ang pagkakaruon ng strike at  pickets - na nagpapahiwatig ng pagtanggap na tayo ay inferior sa mga nakaaangat na klase - nangangahulugan na ang mga piling tao, ang nagdedesisyon kung ano ang mabuti sa atin - dahil tayo ay hindi makapagdesisyon dahil sa tinatangap natin ang ating nakaaawang kalagayan at kailangan pa nating humingi sa kanila ng awa para mabigyan tayo ng kabahagi natin, nangangahulugan na ang mga ito ang nagpapasya kung ano ang ating magiging kapalaran.

Ito ay pagtanggap sa ating kahinaan na namamalagi sa ating isip dahil sa takot natin na mawalan ng pera at tayo ay magutom atb. Ito ay desisyon na base sa takot - dahil ang tingin natin sa ating sarili ay inferior tayo, at ito ang ating nagiging personalidad. Dito base ang ating pagkatao - sa kahinaan.  

Patawarin ang ating sarili  sa pagiging makasarili, sa pagdedesisyon base sa Takot  at patawarin ang ating sarili para sa paghahangad na maging superior o nakahihigit sa iba - nananalo sa kabila ng kapinsalaan ng iba, upang mabuhay.

Tama na!

Bumangon tayo at bigyan natin ang ating sarili ng panibagong BUHAY - tanggapin natin ang ibinibigay sa atin ng lupa at huwag tayong pumayag na yapakan ito ng iba.

Kailangan tayong Mabuhay na pantay - pantay at may pagkukunan ng perang pambili ng mga basic na kailangan natin para mabuha,  dahil may karapatan tayo na mamuhay na may dignidad,  dahil tayong lahat ay isinilang dito sa buhay na ito. 

Iregalo natin ito sa mga batang isisilang pa lang at tingnan ang kasayahan na mabuhay sa isang mundo na kapantay ng lahat at may garantiya na mabubuhay ito ng maluwalhati magmula ng isilang ito hanggang sa mamatay ito. 

Meron tayong sapat na mapagkukunan para mabuhay ang lahat.

Dapat nating itigil ang pagiging biktima ng kahirapan. Mayroon tayong karapatan na kunin ang dapat na atin - ang ating karapatan bilang mga mamamayan. Karapatan nating mabuhay na may dignidad kapantay ng lahat.

Mayroon tayong karapatan na ipaglaban ang ating BAHAGI na galing sa kita mula sa pagbebenta ng likas na yaman ng lupa.

Gumising tayo, magsalita at sumuporta sa pagkapantay-pantay ng buhay. Itaguyod natin ito at ilahad sa politikong pamamaraan. Itaguyod natin ang Basic Income Guaranteed.

Itigil natin ang pansariling pagnanasa na galing sa takot at kawalan - na dala ng ating pagnanasang mabuhay tayo na walang pakialam sa iba - pagkamakasarili na dala ng pagkatakot na mawalan ng pera na pambili ng pagkain atb. sa mundo na ito na ang kaligtasan ng buhay ay HINDI igiinagarantiya.

Itigil na natin ang pagturo ng mga daliri sa iba at pagsisi dito. Ginawa na natin ito sa mahabang panahon at alam natin na hindi ito epektibo. Hindi ito ang solusyon sa problema.

Ang sekreto para tumakbo ang ano mang negosyo ay ang pagtigil sa mga bagay na hindi kumikita - at hindi rin ibig sabihin nito ay ang bolahin natin ang ating sarili na ang statistics ng kahirapan ay bumaba na sa Pilipinas magmula singkwenta porsyento patungong 35 por syento.  Ang buhay kung saan walang naghihirap ay kaya nating marating.

Alam nating lahat na ang marangal na buhay ay kaya nating itaguyod kung ititigil natin ang takot at mabubuhay tayo na tumatayo sa pagkapantay-pantay ng buhay na hindi base sa takot- ngunit sa pananaw na tayo ay may karapatang mabuhay na may dignidad magmula sa oras ng kapanganakan hanggang sa oras ng kamatayan.

Ang kahirapan ay nandito dahil sa pagkagahaman ng iilan na akuin ang mas malaking bahagi na pag-aari ng nakararami.

Mayroon tayong karapatan na mabuhay na kapantay ng bawa't isa - ito ang katotohanan ng Buhay.

I- Redefine  natin ang ibig sabihin ng pagiging isang Pilipino
http://junejourneytolife.blogspot.com/2013/07/big-part-2-ano-ang-solusyon-sa.html

Ipantay natin ang ating exspresyon sa expresyon ng lupa  - na nagbibigay sa lahat ng pantay na share sa mga natural na yaman nito. Ito ay isang regalo mula sa lupa. Tumindig tayo at ibahagi ang mga regalo ng lupa sa lahat - at huwag ito hayaang pumasakamay ng mga taong may paniniwalang ilan lamang ang may karapatan dito. Ang pagtanggap ng kasinungalingang ito ay isang krimen sa harap ng husgado ng buhay  - na binubuo ng lahat ng nilalang dito sa mundo - ang mga tunay na shareholders.

Ang tunay na kahulugan ng buhay ay ang pagkapantay-pantay ng lahat - at ito ay praktikal na i-i-implemento sa pagkakaruon ng Garantisadong Basic na Income para sa LAHAT.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This