Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Monday, November 4, 2013

Ano Ang Living Income Guaranteed? Part 5: Ano Ang Mapupulos Ng Mga Korporasyon Sa Pagsasakatuparan Ng Living Income Guaranteed?




Ano Ang Mapupulos Ng Mga Korporasyon Sa Pagsasakatuparan Ng Living Income Guaranteed?

Ang isang mas malawak na consumer base o grupo ng mga consumer na paulit-ulit bumibili ng mga kalakal o serbisyo ng korporasyon kung saan ito ay magiging isang pangunahing pinagkukunan ng kita para sa korporasyon. Ang mga tao na dati ay walang pera para mabuhay at hindi aktibo sa ekonomiya ay biglang magiging aktibong kalahok sa ekonomiya na kung saan ay matitiyak na ang mga korporasyon ay magkakaruon ng mas malaking kita, kung saan makikita rin natin na kung mas maraming tao o mamimili ang susulpot, magkakaroon ng higit pang profit na maaaring magamit upang maging mas mahusay ang kundisyon ng mga trabahador, upang lumiit ang kawili-wili o nakakakapanabik na produksyon ng mga produkto at sa halip ay iangkop ang mga presyo upang gumawa ng mga bagay na may presyong abot-kaya ng tao, na may mahusay na kalidad at nagbibigay ng isang ligtas at maayos na working base, pati na rin ang pag pondo ng korporasyon sa automation ng mga trabaho na kasalukuyang ginagawa ng mga tao sa mapanganib na kapaligiran kung saan naaapektohan nito ang kalusugan ng mga taong nag-ta-trabahado dito.
Mararamdaman ng mga manggagawa na suportado sila at mahalaga sila sa kanilang mga employer, at magreresulta ito sa pagkakaruon ng mga indibidwal na hindi na nakakaramdam na pressured sila at sila ay isa lamang profit -making machine, kung hindi, magiging masaya sila, magiging kontento at ma re-realize nila na ang kanilang trabaho ay tunay na ginagantimpalaan at ang kanilang oras at kontribusyon sa korporasyon ay isang life -time investment - ang tunay na halaga talaga ng kanilang labor. Ang isang indibidwal na nagtatrabaho at nakatatanggap ng gantimpala na tunay na katumbas ng kanilang labor ay bubuo ng isang mas masayang lipunan na hindi na takot sa hindi pagkakaroon ng sapat na pera para pakainin ang kanilang pamilya, ito ay magiging simula ng isang bagong panahon kung saan may kalidad ang mga produkto na magbibigay ng dignidad sa buhay ng tao na tunay na nagnanais na mapabuti ang kanilang uri ng pamumuhay .

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This