Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Wednesday, November 6, 2013

Ano Ang Living Income Guaranteed? Part 6 Bakit Ang Pagpapatupad Ng Living Income Guaranteed Ay Isang Agarang Solusyon Sa Pang-Ekonomiyang Krisis ?




Bakit Ang Pagpapatupad Ng Living Income Guaranteed Ay Isang Agarang Solusyon Sa Pang-Ekonomiyang Krisis?

Higit pa sa isang solusyon sa krisis , dapat nating maunawaan na ito ay isang paraan na masiguro na ang Fundamental Human Rights ng bawat indibidwal ay maayos na pinondohan sa pamamagitan ng paglalaan ng Allowance para ma-access ang mga kinakailangang mga bagay ng isang nilalang upang mabuhay sa isang marangal na paraan - ito ay base sa prinsipyo ng 'give unto others what you want to receive', at kung gusto nating mamuhay sa isang matahimik na lipunan , at upang magkaroon tayo ng isang masaya at malusog na buhay, dapat nating bigyan ng access ang mga tao sa Allowance / Income na ito bilang isang katiyakan na mabubuhay tayo ng may dignidad na pupuksa sa pangangailangang mag-resort sa krimen , paghingi ng limos sa kalsada , kawalan ng tahanan , hindi sapat na edukasyon , pangangalagang pangkalusugan na nagreresulta sa paurong na takbo ng ekonomiya na nakakaapekto sa bawat indibidwal sa lipunan.

Ito ay karaniwang nangangahulugan na kung bibigyan natin ng Allowance ang bawat eligible na  indibidwal   na maging well nourished , may mabuting kondisyon ng pamumuhay na may access sa kinakailangang mga pangunahing serbisyo, pangangalaga ng kalusugan at pangangailangan ng oras para magilibang, susulpot mula dito ang mga mas edukadong indibidwal. Ma-re-realize natin na kung bibigyan natin ang tao ng suporta para magkaruon ng kita upang makakuha ng mga kinakailangan para mabuhay, matututo din tayong magbigay pabalik sa lipunan. Ito ay dapat maunawaan bilang isang buhay na prinsipyo na naaangkop sa bawat nilalang dito sa lupa na higit pa sa anumang pampulitika , panlipunan , relihiyon o ideological na affiliation. Ang sinasabi namin ay tungkol sa pisikal na pangangailangan sa buhay na kailangan ng lahat ng tao para mabuhay ng may dignidad  at maipagpatuloy ito. .

Karagdagan pa dito , maraming mga trabaho ang pinapalitan ng mga makna , na kung saan ay mangangailangan ng higit pang mga proseso upang Muling mabuo ito sa ating ekonomiya at ma-upgrade ang premise na  'mabubuhay tayokung tayo'y mag ta-trabaho' dahil kung ang trabaho ay kasalukuyang hindi available sa lahat - hindi natin alintana ng pagkakaroon ng degree sa kolehiyo at ng kinakailangang mga kasanayan upang magkaroon ng trabaho - datapwat ito ay tiyak na isang bagong pag-unawa ng ating ekonomiya na dapat na maunawaan natin na ito ay isang mekanismo na susuporta sa lahat ng indibidwal kaysa isang paghihigpit at pamimilit  lamang.

Nuong nakalipas na panahon, ang mga pang-matagalang patakaran at treaties ay nagtangkang bigyan ng benefisyo ang mga mangagawa, at ito ay napatunayang hindi mabisa para sa mga mahigpit na mga patakarang ipinatutupad ng mga korporasyon pati na rin ang pang-ekonomiyang outflows na nalihis ang effectiveness. Inilalahad dito kung paano sa pagkakaruon ng direct intervention upang makapagibigay ng Living Income bilang isang Allowance at pagdodoble ng minimum na pasahod, ang problema ay idinidirekta natin sa pinagmumulan nito sa halip na  umasa tayo sa sa third party actors at mga patakaran para lutasin o bigyan ng solusyon ang mga sitwasyon sa mahabang panahon.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This