Ang Misyon Ng Equal Life Foundation
Ito ay itinatag magmula sa katotohanan na ang lahat na nabubuhay dito sa lupa ay mayroong likas na karapatan
sa buhay kapantay ng karapatan ng bawa’t isang nilalang, kung saan ang lahat ay kapantay ng bawa’t isa at ito ay
walang ilusyon ng pagkakahiwalay at pagkakaruon ng rangko ng bawa’t isa o kaya pagkakaruon ng hindi maliwanag na mga
inilatag na sistema na pinagsamasamang bahagi ng isip.
Tungkol sa Equal Life Foundation
Ang kahalagahan ng Equal Life Foundation ay nasa mga arena ng Basic Human Rights na nagbibigay halaga sa kung paano ang
mga Karapatan ng bawa't isa ay praktikal na ma-i-i-apply sa kapaki-pakinabang na paraan.
Misyon
Ang Equal Life Foundation
Bill of Rights
Ang Equal Life Foundation ay itinatag sa pamamagitan ng ng isang pandaigdigang komunidad na binubuo ng mga tao mula
sa maraming kultura sa buong mundo. Ang Equal Life Foundation ay nilikha upang magkaruon tayo ng kamalayan at pang-unawa
na ang buhay ay tumatayo na kapantay ng iba pang mga aspekto ng buhay. Ito ay itinatag magmula sa katotohanan na ang lahat na nabubuhay dito sa lupa ay mayroong likas na karapatan sa buhay kapantay ng karapatan ng bawa't isang nilalang, kung saan ang lahat ay kapantay ng bawa't isa at ito ay walang ilusyon ng pagkakahiwalay at pagkakaruon ng rangko ng bawa't isa o kaya pagkakaruon ng hindi maliwanag na mga inilatag na sistema na pinagsamasamang bahagi ng isip. Ang pagiging pantay-pantay ng bawa't isa ay ang pagkakaruon nito ng pwersa ng buhay na taglay ng bawa't isa. Ang taglay na karapatan ng bawa't nilalang ay ang karapatan sa pagkakaruon ng buhay na matatag na batay sa mga pangunahing prinsipyo na nakasulat dito na isinasaad dito bilang ang pundasyon ng Equal Life. Kinikilala bilang mahalaga sa bawa't tao at sa pamamagitan nito ipinahahayag na Bill of Rights, na likas sa lahat at hindi exklusibo sa sino man. Ang pundasyon ng Bill of Rights na ito ay praktikal na aplikasyon kung saan ang bawa't nilalang ay ginagarantiyahan na magkaruon ng buhay na pwedeng praktikal na itatag upang ang kaligtasan ng buhay at ang pagtagal ng
buhay ay itinalaga na magkaruon, maibahagi at matamasa ng lahat ng nilalang, kung saan maaaaring matamo ng bawa't isa
ang kahalagahan ng matiwasay na buhay.
Ni-re-recognize ng Equal life Foundation ang Equal Right to Life bilang unang taglay at unalienable right ng bawa't
isang tao na may hininga ng buhay at kasama dito idinideklara rin na ang Karapatan Na Mabuhay ng Pantay-pantay ay
binubuo ng lahat na nabubuhay na Lalaki, Babae at Bata.
1. Ang Equal Economic Right na nagtatalaga na ang lahat ng pampinansiyal na pangangailangan ng lahat ay ma-a-access
at magagamit upang matiyak na ang pangunahing pangangailangan ng lahat upang magkaruon ng malusog na katawan
at kuntentong buhay ay pwedeng ma-realize at pwedeng masaksihan ang kaganapan nito sa mundo.
2. Ang Equal Health Right na nagbibigay ng lahat na kailangan para makabuo tayo ng malakas na katawang pisikal ,
para maitaguyod ang lakas at kalusugan nito pati na ang linaw ng isip, balanseng emosyon at matatag na katawang pisikal.
3. Ang Equal Right ng Kaligtasan at Katiwasayan para sa bawa't bata, ng sa ganuon may siguridad na mabubuhay sila ng walang takot, panatag at walang trauma ,
at ang buhay ay balanse dahil may pamamatnubay ng magulang, may malayang pagpapahayag at nabubuhay ang tao sa
isang kapaligiran na itinataguyod ang paglikha at kagalakan para ang bawa't bata ay mabuhay sa kanilang pinakamataas
na potensyal na nagpapahayag ng kanilang sariling Ekspresyon bilang Buhay.
4. Ang Equal Housing Right na sumisiguro na ang bawa't isang nilalang sa mundo at bawa't pamilya ay may matatag na tahanan at
kapaligiran na nagtataguyod at sumusuporta sa buhay, na may nararapat na pundasyon sa loob ng komunidad na
tumutulong at sumusuporta sa buhay na may dignidad at integridad.
5. Ang Equal Education Right na sumusuporta sa bawa't nilalang sa kaniyang paghahangad na matamo niya ang pinakamataas
na uri ng tao at ang katuparan ng potensyal nito, na sumosuporta sa pagdevelop ng talino at praktikal na aplikasyon nito
para maihandog ang buhay nito na may kinalaman sa pagpapanatili ng mundo na nagpapalago ng buhay para sa lahat ng kasali
dito.
6. Ang Equal Land Right na nagbibigay ng pwesto sa bawa't isang nilalang sa lupa na kanilang pinili para maging kanilang tahanan kung saan ang mga
buhay na katawan na naglalakad sa lupa ay binibigyang buhay nito at kung saan ito kumukuha ng sustansya at
pagkabuhay na nagbibigay ng seguridad at kabuhayan, kung saan nakakaniig nila ang mga hayop at ang mga kaharian ng
halaman na nagtutulungan na nagkokonsyerto na nagiging kabagay ng pwersa ng buhay ng lahat ng nilalang at ng lahat
ng pantay -pantay at nagkakaisang buhay ng lahat
7. Ang Equal Right ng Malayang Samahan na nagbibigay ng panlipunan at pang-ekonomiyang kapaligiran na malaya na
nagbabago-bago at may interaksyon ang bawa't isa na walang hadlang kung saan ang mga bagong ideya, konsepto,
teknolohiya at ang pagiging produktibo na nagpapalawak at nagsusulong sa prinsipyo na, 'kung ano ang makabubuti sa lahat'
ay uusbong kung saan mauunawaan na itong samahang ito ay hindi lilimita sa unang pundamental na
Karapatan ng Tao - na nakilala natin at tinaguriang ang Equal life Right para sa lahat o anumang Rights na
nanggagaling magmula sa Right na ito.
8. Ang Equal Right para Manaliksik, Teknolohiya at iba pang pang-agham na pagsisikap at praktikal na manipestasyon na
malayang i-ni-aaply sa pagtutuwid at pagbabalanse ulit ng pisikal na kapaligiran at ng mga sistema sa lupa, himpapawid,
ilog at dagat na nabuo sa pamamagitan ng mga pakikipag-ugnayan ng isang komunidad ng mga organismo sa kanilang pisikal
na kapaligiran - para ibalik ang planeta sa balanseng pagbabago kung saan uusbong ang isang maunlad na pangkalahatang
komunidad para sa pagsulong at pagsama - sama para sa kung anong makabubuti sa lahat ng nilalang, para masiguro
ang pinakamataas na posibleng kondisyon sa buhay at pamantayan ng sangkatauhan at ng lahat ng bumubuo ng buhay.
9. Ang Equal Right na pwede nating makuha ang natural, pinansyal, pang-agham at
intelectual na resources, para lahat ay magkaruon ng malaya at hindi limitadong access sa pangunahing mga pangangailangan
sa buhay at pangpapanatili ng buhay, kasama ang malaya at hindi limitadong access sa anumang kailangan natin para magsikap
na matamo ang pinakamahusay na trabaho na magsusulong sa komunidad ng ating planeta sa mga bagong realms ng buhay na
makadaragdag sa teknolohiya, imbensyon at pagbabago.
10. Ang Equal Right sa Kapayapaan, kasaganaan at mabuting kapalaran, libre sa panganib ng pinsala, pagkawasak o karahasan,
kung saan ang buhay ay itinatayo na may mataas na halaga at ang bawa't pagpili, bawa't aksyon, bawa't kilos at bawa't
gawa at bawa't iniisip ay idinidirekta ng bawa't isa at bawa't buhay na nilalang patungo sa kung anong makabubuti sa
lahat, para ang lahat ay mabuhay bilang mga nilalang na parte ng malawak na kabuuan ng buhay na mabuting nagsasama-sama
bilang buhay mismo sa loob ng nananatiling balance sa buhay na hibla ng lahat ng buhay sa lupa.
11. Ang Equal Right sa Sariling Gobyerno na walang panglabas na kontrol ng artipisyal na gobyerno para manghina at
makontrol ang pwersa ng buhay ng lipunan at ang bawa't parte nito. Ang karapatan na magkaruon ng sariling gobyerno
ay isasama sa nakararami na bumubuo ng lipunan at ng porma ng konstitusyon na itinatayo ang integridad ng lahat ng
nakararami, ng sa ganuon ang tunay na porma ng pamumuno sa republika kung saan ang bawa't nilalang ay suportado at
naipagtatanggol ang karapatan ng bawa't lalaki at babae na magkaruon ng pantay-pantay na buhay para sa buong lipunan
at pangpulitikang kaayusan, na ang bawa't karapatan ay matinding ipinagtatanggol at ang integridad ng lipunan para
sa lahat ay hindi kailanman manghihina.
12. Ang Equal Right sa Kalayaan ng Konsyensya at Moral Integrity, na sumusuporta sa lahat ng buhay na nabubuhay na
hindi hinihigpitan o nililimitahan sa pamamagitan ng paghadlang sa pangkaisipan at emosyonal na pagmamanipula,
ang buhay na malaya na nakakapag ekspres ng sarili nito na walang pagsugpo o takot na pagganti ng utang na loob,
ang buhay na malaya sa takot ng kakulangan at limitasyon.
13. Ang Equal Right sa pagkakaruon ng integridad hinggil sa pananalapi kung saan merong sistema ng pagkapantay-pantay
na nagsisimula sa mga bagay na bumubuo nito kung saan ang halaga ng bawa't isang indibidwal ay kapantay ng pagkakaisa
na sukat nito , kung saan sinisiguro na walang salapi o sistemang pinansyal, nilalang, organisasyon o institusyon na
magmamanipula ng pananalapi at sistemang pinansyal para sa kanilang sariling kapakanan na hahantong sa pinsala sa kung
anong makabubuti sa lahat, ng sa ganuon itong pagsasamahan na ito, itong balanse at pagkapantay-pantay na sistema na
ito ay sumussuporta at nakadaragdag sa kalakalan, sa pagnenegosyo, pagpapakalat nito at pagpapanatili ng halaga na
isang saligan ng pang-daigdigang pang-ekonomiyang sistema na nagseserbisyo sa buhay.
14. Ang Equal Right sa matatag at balanseng Espirituwal na buhay kung saan ang bawa't pananampalataya na sumusuporta
sa pagkapantay-pantay ng lahat ay nakikita at tumatagal bilang kapantay at kaisa ng buhay na ito, kung saan ang espirito
ay nauunawaan bilang ang inspirasyon ng pailalim at palabas na paghinga ng bawa't nilalang at ng buhay mismo bilang
kabuuan nito at ng prinsipyo ng pagkakaisa nito na ibinabahagi sa lahat bilang at sa loob ng kung ano ang makabubuti
sa lahat, kung saan hindi nito pinabababa ang pangunahing Batayan ng Karapatan ng Tao sa Pantay-pantay na Buhay para
sa Lahat.
15. Ang Lahat na Equal Right sa Buhay ay nagmula sa prinsipyo na lahat ng Buhay na Nilalang ay mayruong karapatan na hindi pwedeng ilipat kaninuman, sa sariling
determinasyon at sa pangunahing katiyakan sa pagkakaruon ng minimum na kalidad ng buhay, at itong katiyakan na ito ay
tutuparin sa pagkakaruon ng mga pangangailangan sa buhay katulad ng sapat na pagkain, damit, bahay, at karapatang
kumuha ng kaalaman at edukasyon, ang pagsasanay para magkaruon ng kakayahan sa pagsuporta at pagsustena ng kanilang
buhay at ng buhay ng kanilang pamilya para maisama sa loob ng panlipunan, pang-ekonomiya, pang-pamilya, pang-komunidad,
pang-kultura, pambansa at pang-mundong relasyon para ang lahat ay maaaring, pantay-pantay at magkaisang, magkasamang
tumatayo para gumawa at maipakita ang batayan ng Pantay-pantay na Buhay para sa Lahat bilang pinaka pangunahing
Equal Right
16. Ang Equal Right ng darating na henerasyon para tumanggap ng buhay na planeta na walang maduming hangin, sakit,
gutom, karahasan at pinsala para ang buhay ay magpatuloy at maging maunlad sa walanghanggan ngayon at kailanman.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.