Ang Living Income Guaranteed ay isang economic at political na mekanismo para tiyakin ang pagtatatag ng Fundamental Human Rights ng publiko sa pamamagitan ng paglalaan ng allowance buwan buwan sa mga karapa't dapat na indibidwal na sa kasalukuyan ay nasa posisyon kung saan hindi nila kayang sustentuhan ng kanilang sarili - at/o mga tao na nasa kanilang pangangalaga - sa pangangailangang pampinansyal, para sila magkaruon ng dignidad bilang tao, na kanilang karapatan, na sa ngayon ay walang suporta dahil sa rason na hindi nila makontrol sa kasalukuyan, kabilang dito - pero hindi limitado dito - ang pagkawala ng trabaho, kawalan ng pagkukunan ng pagkain, kawalan ng pagkukunan ng pabahay, kawalan ng pagkukunan ng healthcare o pangangalaga sa kalusugan, kawalan ng pagkukunan ng edukasyon, ang pagkakaruon ng pisikal na kapansanan, ang pagiging retired na sa pagtatrabaho o ang hindi pagkakaruon ng sapat na gulang para makapagtrabaho.
Ito ay sa loob ng pangunawa na ang kahirapan at kawalan ng edukasyon bilang susi sa pagkakaruon ng trabaho at paraan para mabuhay ay resulta ng malfunction ng sistemang pang - ekonomiya, ang pagbibigay ng hindi patas na alokasyon ng likas na kayamanan ng bansa, kawalan ng suporta sa bawa't nabubuhay na indibidwal kung saan merong supisyenteng pagkukunan ito ng pangunahing pangangailangan sa buhay. Ang pinaka madaling remedyo ay alisin ang kahirapan, sa pamamagitan ng paglalaan at pagtatalaga ng allowance buwan buwan duon sa mga walang pagkukunan ng pangunahing pangangailangan sa buhay para mabigyan sila ng lakas at ng sa ganuon ay magkaruon sila ng buhay na may dignidad, para marating ng bawa't isa ang kanilang potensyal, makapili ng trabaho at makaambag sa ekonomiya sa pamamagitan ng kanilang kasanayan, trabaho at para makabili sila ng basic na kailangan nila para mabuhay .
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.