Facebook Living Income Guaranteed Page: English
What Is The Living Income Guaranteed (English)?
Ano Ang Living Income Guaranteed? Part 8
Facebook Living Income Guaranteed Page: English
What Is The Living Income Guaranteed (English)?
Ano Ang Living Income Guaranteed? Part 8
Paano ito malalagyan ng Pondo?
Sa pamamagitan ng pag-na-nationalize ng mga resources , mga bangko at mga pangunahing serbisyo na nangangahulugan na kung , halimbawa , ang iyong langis , gas , tubig , kuryente , telekomunikasyon , transportasyon ay tinutukoy bilang minana ng mga tao sa lupa , ang kita na galing mula sa pagkonsumo /pagbili ng naturang mga kalakal at mga serbisyo ay dapat sapat upang pondohan ang Living Income Guaranteed para sa karapat-dapat na mga indibidwal . Ang ibig sabihin nito ay hindi kailangang magkaroon ng personal na pagbubuwis ngunit sa halip panatilihin ang VAT ( Value Added Tax ) upang magpatuloy ang pagpopondo ng mga mga functions ng gobyerno - ito din ay sa loob ng mga pagsasaalang-alang na dahil tumataas ang kapangyarihan ng mga tao na bumili at pagtaas ng consumer base na lalaki dahil dito , ang mga pondo na nagmumula sa VAT ay tataas at maglilikha ito ng higit pang kakayahan sa pagbabayad ng utang sa budget ng pamahalaan , na kung saan magkakaruon ng mas mataas na kalidad ng pampublikong kapakanan.
Kaya sa Living Income Guaranteed may isang bagay na mahalaga sa buhay: walang isa mang tao sa sistema, walang mamamayan na magbabayad ng buwis - lahat ng mga buwis ay facilitated sa pamamagitan ng alinman sa value added tax o sales tax o import duties. Kung mayroon ka ng isang sistema ng gobyerno na responsable dahil mayroon kang isang sistema kung saan ang bawat isa ay gumagana nang epektibo sa loob ng sistema , hindi mo kailangan ng labis na buwis, ang inyong tax ay ginagamit para sa mga bagay tulad ng roadwork , transport facilitation - lahat ng bagay na maaaring mapangasiwaan 'sa loob ng sistema' .
Isa sa mga bagay na maaaring epektibonng gumana rin sa isang bansa ay ang magkaroon ng isang toll tax sa mga kalsada na pinamamahalaan ng gobyerno at ito ay magpapanatili ng mga kalsada sa naturang mga lugar , kung kaya ayon sa paggamit ng isang kalsada ay ang halaga ng buwis na babayaran mo , ngunit sa proposal na ito walang income tax , kaya walang tao na magbabayad para sa kanino mang Living Income Guaranteed , ito ay manggagaling sa mga resource companies kumg saan ang lahat ng tao sa bansa ay kasali at ang sales tax o ang value added tax ay magiging ayon sa paglahok mo sa loob ng isang partikular na sistema - ito ay isang patas na paraan ng pagharap sa koleksyon ng buwis ng gobyerno.
Ang isa pang halimbawa ay kung paano sa pamamagitan ng pagtigil ng paglalaan ng pera para pondohan ang digmaan, ang trillions of dollars (o Billions of pesos) na ginugugol sa industriya ng digmaan ay maaaring italaga sa pag revitalize ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpopondo ng Living Income Guaranteed at pagsuporta sa pangangalaga ng kalusugan , edukasyon , commerce , production industries at basic na mga serbisyo na kailangan upang mapabuti ang kundisyon ng pamumuhay sa loob ng bahay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.