Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Monday, November 11, 2013

Ano Ang Living Income Guaranteed? Part 7: Papanghinain Ba Ng Living Income Guarantee Ang Kumpetisyon at Lilikha Ba Ito Ng Kawalan Ng Pang-ekonomiyang Pagkilos Sa Lipunan?




Papanghinain Ba Ng Living Income Guarantee Ang  Kumpetisyon at Lilikha Ba Ito Ng Kawalan Ng Pang-ekonomiyang Pagkilos Sa Lipunan?

Hindi.Taliwas dito, gagawin nito ang kabaliktaran. Kung bibigyan natin ng bagong kahulugan ang kumpetisyon bilang ang kakayahang makamit ang pinakamahusay na kondisyon ng naninirahan sa isang lipunan , sa pamamagitan ng paglaan ng Allowance sa bawat indibidwal na karapat-dapat dito, na dati ay walang access sa mga ito , aming sinisiguro ang activation ng ekonomiya at magu-udyok ito sa tao na magtrabaho kung nais nila na magkaroon ng isang mas malaking kakayahang pang-ekonomiyang sa pagbabayad ng utang upang masakop ang iba pang mga kagustuhan ng consumer para dagdagan ang mga kakailanganin nito na hindi mababayaran ng Living Income Guaranteed. Gayundin , walang limitasyon sa kung magkano ang perang kikitain mo o ng mga korporasyon hangga't ang kanilang mga negosyo ay hindi makakagambala sa anumang paraan sa pag-na - nationalize ng likas na yaman o mga pangunahing pampublikong serbisyo  - ito ang kundisyon . Ito ay nangangahulugan na ang mga patakaran ng isang free market ay mag-a-apply pa rin at sa gayon, ang tanging constitutional at government management ay magiging ang pangangasiwa ng pagpapatupad ng Living Income Guaranteed, pati na rin ang pagsasagawa ng karaniwang maintenance, pamamahala at pampublikong provision ng mga goods at ng justice department.

Mas lalo mong ihahanda  ang iyong sarili , mas magkakaruon ka ng mahusay na trabaho, at mas maraming benepisyong matatanggap na ang ibig sabihin ay kikita ka rin ng mas maraming pera . Ang pagkakaruon ng Kumpetisyon ay nangangahulugan ng pagbabago mo na mas makabubuti sa sarili upang magsagawa ng aktibidad sa pinakamahusay na paraan at ito ay isang mahalagang bahagi ng likas na katangian ng tao na magtaguyod ng kompetisyon sa ating lipunan, ang pagbabago nito at sng pagiging creative nito sa isang lokal at pandaigdigang antas .

Makikita mo rin na magkaroon ka ng malayang pagpili sa kung aling trabaho ang pinakamahusay para sa iyo sa halip na nakatuon ka sa mga trabahng may kontrata na batay sa pangangailangan sa halip na kagustuhan o choice. Ito ang paraan upang ipatupad ang isang tunay na etikal na kapaligiran rin sa trabaho,, kung saan wala nang pagsasamantala na nangyayari dahil ang anumang trabaho ay hindi magiging resulta ng isang pangangailangan na magtrabaho upang mabuhay , kundi magiging isang paraan at insentibo upang pataasin ang kalidad ng buhay .

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This