Pages

Tao of Food Preparation Recipes

Tao of Food Preparation Recipes
'Living' E-book

Tuesday, August 20, 2013

BIG Part 6: Ang Solusyon Sa Kahirapan Sa Pilipinas: Porn At Prostitusyon

Ang Blog Na Ito Ay Kadugtong Ng blog Na Ito:
http://junejourneytolife.blogspot.com/2013/08/ang-solusyon-sa-kahirapan-sa-pilipinas.html

Ang Sex ay ipinapakitang pinagmumulan ng kasiyahan sa pinilakang tabing, tv, mga babasahin  atb.

Kapag ang mga tao ay naghihirap at nagdurusa, naghahanap sila ng pinakamabilis na paraan para makakuha ng kasayahan at yun ay kadalasang  mula sa pagbababasa o panunuod ng 'porn' sa internet o sa pelikula

Nakakakuha ng pampasiglang sekswal sa 'porn'. Kapag sumigla na dahil sa 'porn' pagkatapos magbasa o manuod nito karamihan ay pinapakawalan ito sa masturbesyon at pakikipagtalik.

Sa 'medyo mayaman' na bansa ang pera ay ginagamit para bumili ng kasiyahan o mag punta sa bahay na nagbibili ng ligaya

Tingnan natin ang balita na ito tungkol sa mga magulang ng mga batang pinoy na kumukuha ng pera sa mga Australiano at ang prostitusyon sa Pilipinas
http://www.youtube.com/watch?v=xmXe35kCI0Y

Tayong lahat ang may kagagawan nito dahil kasangkot tayo sa paggawa ng positibong karanasan sa ating isip na ipinapakita natin sa ating pagkilos sa pagnanais nating mapasigla ng ating karanasan para tayo lumigaya sa pang-araw-araw na buhay.

Ang buhay ay hindi tungkol sa kaligayahan nating pansarili kung hindi para sa makabubuti para sa lahat.

Ang 'suma total' nito ay ang katawang pisikal ay ginagamit natin para bigyang kasiyahan ang mga pagnanais ng laman na ginagawa natin sa ating isip at ang pera ay ginagamit natin para ito ay mangyari. Ang katawan ay ginagawang mina ng energhiya para busugin ang kagustuhan ng isip na bigyang kasiyahan ang pagnanais ng laman - kung saan ginagamit ang pera para sa makakuha nito.

Sa youtube link na inilagay ko sa itaas ng blog na ito, makikita natin na kailangan ng magulang ng bata ng pera para bilihin ang mga pangunahing kailangan para mabuhay at ang mga dayuhan naman na mapera ay nangangailangan ng katuparan ng pagnanais nito na makipagtalik, so binigyan nito ng pera ang mga magulang ng mga bata kapalit ng pakikipagtalik sa mga ito.

Hindi natin nakikita na ang paghahangad ng sex at pera ay itinutulak ng Takot galing sa pag-ha-hangad natin na mabuhay at hangad natin na magkapera.

Ang pera ay nagiging  medium of exchange na ginagamit ng mga tao na naghahangad na mabuhay base sa tulak ng isip dahil sa takot na mamatay o paligayahin ang malungkot na buhay na ito na punong puno ng pangaabuso - na makikita natin sa parehong mayaman at mahirap na mga bansa.

Matagal na nating binibigyan ng lunas ang problemang ito pero hindi tayo nagwawagi sa pagbibigay ng solusyon dito.

Ano ang hindi natin nakita?

Ang solusyon ay hindi tumutugon sa tunay na problema. Ang tunay na problema ay hindi natin nakita.

Pilit nating binibigyan ng kalutasan ang problema ng takot na mamatay o takot na hindi mabuhay - sa pamamagitan ng pagbibigay ng limos at charity sa mga mahihirap kung saan tinatanggap at pinapayagan natin ang hindi pagka-pantay-patay ng tao sa lipunan - merong mayayaman na maraming pera at merong mahihirap na walang pera. Ang mayayaman ay hinihingan ng limos ng mga mahihirap na lubos ang pasasalamat dito. Hindi natin nakita na tayong lahat ay may karapatan sa ibinibigay ng lupa at ang hindi natin pagkapantay-pantay sa lipunang ating ginagalawan ay dapat nating imbestigahan.

Binibigyan natin ang pagkakaruon ng kayamanan ng positibong halaga kaya naman ang pag-aaral ay nagiging paraan para yumaman at hindi upang matuto tungkol sa pisikal na daigdig ana ginagalawan natin at matutuhan ang mga kilos at nararamdaman ng katawan natin - pati na ang kung paano tayo magkakaruon ng pantay at isang relasyon sa pisikal na mundong ginagalawan natin.

Tinatanggap natin at pinapayagan ang ibang tao na maghakot ng maraming pera samantalang ang iba ay pinababayaan nating maghirap.

Ang tunay na problema ay ang inequality o ang hindi natin pagkapantay-pantay dahil ang iba ay mayroong malaking bahagi at ang iba ay mayruong maliit na bahagi at hindi natin isinasa-alang-alang na binigyan tayo ng lupa ng pantay-pantay na bahagi sa yaman na nandito..

Bakit tayo nabubuhay na hindi pantay-pantay?

Bakit tinatanggap at pinapayagan natin ito?

Hanga't hindi natin naitatama ang hindi natin pagka- pantay-pantay sa buhay, ang takot ay laging naririto at magkakaruon lagi tayo ng problema tungkol sa kaligtasan natin dito sa buhay at sa pera.

Kailangang tanungin natin ang ating mga sarili

Kung bibigyan natin ang mahihirap ng Basic/Living Income - ibebenta ba ng mga magulang ang kanilang anak para magkaruon sila ng pera para mabuhay?

Ang mga bata na hindi nagtatrabaho at bata pa ay magkakaruon ng halaga dahil sila din ay makatatanggap ng Guaranteed Basic/Living Income.

Hidi ibebenta ng mga magulang ang kanilang anak para magkaruon sila ng pera para mabuhay

Kapag binigyan ang mga batang babae ng Guaranteed Basic/Living Income, pipilitin ba nilang kumita ng pera magmula sa prostitusyon?

Ang batayan natin sa pagpili ng trabaho ay magbabago

Kapag tinuruan natin ang ating sarili tungkol sa sex at napagtanto natin na ang sekswal na ekspresyon ay parte ng ekspresyon natin bilang pisikal na nilalang - kung saan kasama sa edukasyong sekswal at sa edukasyon tungkol sa pagkakaruon ng relasyon ang pagunawa sa katawang pisikal at paano idirekta  ang pisikal na nararamdaman natin, matututo tayo  na gamitin ang ating relasyon at sex para sa ikabubuti ng lahat.

Hindi ito tungkol sa pangibabawan ang takot sa pamamagitan ng pagbibigay kasayahan natin sa ating pagnanais sa laman. Sa halip, harapin natin ang ating takot na mamatay at ang ating relasyon sa pera.

Sa pamamagitan ng panunuod  ng mga x-rated na pelikula itinutulak tayo ng media  na maghangad ng sex dahil kailangan nitong kumita at kailangan nito ng pera.

Ang  mail order brides, ang prostitusyon ng mga bata at matanda, at pagdadala ng mga bata sa ibang lugar para abusuhin ito atbp. ay tulak ng isip na naaghahangad kumita at matakaw saa kita dahil sa takot na mawalan ng kapangyarihan na ibinibigay ng pera.

Kapag mayruon tayong pera naniniwala tayo na ang mabuhay sa mundong ginagalawan natin ay importante, pero nalimutan natin na hindi ito tungkol sa iilan lang na nabubuhay ng matiwasay kundi ng lahat na tao.

Ang buhay ay hindi tungkol sa pagkabuhay ng ilan lang. Ito ay tungkol sa ating lahat na nabubuhay ng may dignidad magmula sa  kapanganakan hangang kamatayan.

Ang prostitusyon at 'porn' ay base sa Takot at ito'y tungkol sa pagnanasa nating mabuhay at sa pagnanasa nating magkapera

Kailangang bigyan natin ang mga mahihirap ng Guaranteed Basic/Living Income, para sa ganuon ay mabuhay tayong lahat na may dignidad dahil lahat tayo ay ipinanganak dito sa mundong ginagalawan natin

Meron tayong karapatan sa yaman ng lupa na ibinigay sa atin ng ating planeta para tayong lahat ay pantay-pantay na mabuhay.

Dapat nating tingnan at imbestigahin ang benepisyo ng pag-na-nationalize ng mga korporasyon na kumikita sa yaman ng lupa at tingnan natin kung paano ang parte nitong kita nito ay maibibigay natin bilang Basic/Living Income sa mahihirap at mga walang trabaho, para ng sa ganuon matigil na ang paghihirap hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa lahat ng parte ng mundo, at mabuhay tayo na pantay-pantay na may dignidad at ganuon din ang pagbibigay kalutasan natin sa prostitusyon at 'porn'

Ito ay artikulo na tungkol sa mga bata sa India na nawiwili sa panunuod ng 'porn' at hindi na ang mga ito kumakain:
http://articles.timesofindia.indiatimes.com/2013-06-27/people/40232055_1_video-games-street-children

Kapag ang iilan sa atin ay nabuhay at ang karamihan sa atin ay namatay dahil sa kahirapan at kapag ang ating pisikal na katawan ay inabuso natin sa pamamagitan ng pagbasa at panunuod ng 'porn' = Lahat tayo ay Talo

Magkakaruon tayo ng lipunan na katulad nitong lipunan na ginagalawan natin sa kasalukuyan kung saan nabubuhay tayo ng hindi pantay-pantay at punong-puno ng problema ang lipunan na hindi natin kayang bigyan ng kalutasan.Kung ganito tayo mabubuhay ng mahabang panahon, ano ang kahihinatnan nating lahat at ng mga anak natin?

Kailangang bigyan natin ito ng kalutasan dahil kung hindi, tayo din ang magdurusa.

Magdadala ito sa atin sa walang hanggang kapahamakan.

Hindi ito ang makabubuti para sa ating lahat. Maliwanag na kailangan nating baguhin ang ating panimulang punto magmula sa pagkamakasarili patungo sa pagtayo natin sa kung anong makabubuti para sa lahat.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Share This