Ang Blog Na Ito Ay Kadugtong Ng blog Na Ito:
http://junejourneytolife.blogspot.com/2013/07/big-part-4-paano-matitigil-ang.html
Si Steve Jobs ba ay homeless bago siya naging bilyonaryo?
Link: Mga Sikat na Tao Na Naging Homeless:
http://specials.msn.com/a-list/lifestyle/famous-people-who-were-homeless-ss?imageindex=13
Sabi ng media tutuo daw ito ngunit dahil sa alam natin na ang ginagawa ng media ay nagsusulong ng mga artikulo para magkaruon ng pera o profit hindi natin pwedeng pwedeng mapagkatiwalaang tutuo nga ito dahil nabasa lang natin ang impormasyong ito.
Ang kwentong ito na base sa pag-angat magmula sa pagiging mahirap patungo sa pagyaman ay 'nakaimplowensya' sa akin na umasa na mayruong mas mabuti pang buhay na nag-aantay sa akin sa darating na panahon - nuong ako'y bata pa. Ang kwento ni Cinderella na nababasa natin sa mga babasahing pambata at cartoons sa tv at sa mga pelikula ang 'nagudyok' sa akin para maghanap ng 'aking prinsipe', kapareho din ng pagbasa ko ng kwento ni Steve Jobs na isang artikulo tungkol sa posibilidad ng pagkakaruon ng 'mas mabuting buhay' - galing sa pagiging homeless hanggang pagyaman nito - na maaring tutuo o hindi, pero hindi ito ang punto ng blog na ito.
Ang punto nitong blog na ito ay...
Tayo ay 'nahihilig' na gumawa ng isang bagay dahil may mga salita na 'nagtutulak' sa atin na kumiling sa kaliwa o sa kanan (positibo o negatibo man) na natutunan natin o nagmula sa ating mga magulang.
Ako ang 'paboritong anak' ng aking ama nuong ako ay bata pa. Ako ang 'paboritong' anak dahil ako ay masunurin.
Ang premyo ng pagiging masunurin ay ang hindi ko paggawa sa bahay dahil ang katulong ang inuutusang gumawa nito para sa akin. Naging tamad ako dahil dito at iyon ay pinabayaan kong mangyari at nasa prosseso ngayon ako ng pagtutuwid nito. Mayroon palaging katulong na gumagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumawa sa bahay. Hindi ko na kailangang labahan ang aking mga damit,dahil may empleyado ang aking nanay at tatay na naglalaba ng aming damit.
Mayruon kaming isang katulong na lalaki, tawagin natin siya sa pangalang, Batoy (hindi niya tunay na pangalan). Si Batoy ay napaka tahimik at napaka - masunurin. Hindi siya barumbado, gayon pa man, siya ay magmula sa mahirap na pamilya at wala siyang pinag-aralan. Itinuturing ko siya na 'mababang klaseng tao' nuon sa aking isip, dahil siya ay 'katulong lamang', ang isang punto na i-winawasto ko sa kasalukuyan.
Mayroon din kaming iba pang mga babaeng katulong na mga anak ng mga katiwala namin na nanirahan sa aming maliit na bukid na walang pinagaralan at hindi mapakain ng kanilang magulang. Sininigawan sila paminsan-minsan ng ibang miyembro ng aming pamilya kapag hindi wasto ang ginagawa nila tulad halimbawa ng pag-init ng frozen fruit salad bago ito ihain sa lamesa.
Hindi ito tungkol sa pagiging tama o mali ng ginagawa nila kung hindi upang ating tingnan ang sanhi ng kung bakit naging ganito sila. Dahil sa kahirapan ng buhay, wala silang panghimagas at tingnan natin ang kanilang pinanggalingan - kung saan sila galing ay hindi sila nakakatikim ng fruit salad. Unang-una ay dahil wala silang refrigerator.Ang kinakain nila ay kanin at asin at minsan ang kinakain nila ay kamote, nilagang saging o nilagang mais.
Ang gawin ang kahirapan nila na isang biro para matawa ang aking mga kapamilya at kaibigan ay hindi makatarungan ngunit' ginawa naming biro ito sa oras na iyon at ngayon ay nakikita ko ang kasamaan nito - ang paglagay ng aking sarili sa isang kategorya na mas mataas sa mga katulong dahil mahirap lang sila at walang edukasyon .
Nakalimutan ko ang katotohanan na ang kanyang katawan ay gawa sa parehong sangkap kung saan ang aking katawan ay gawa din - ang alabok ng lupa .
Hindi ko nais na ang mga katulong ay pinagmamataasan ng boses dahil 'naaawa ako sa kanila' - dahil nakikita ko ang ginagawa nila para mabuhay - ang pagigiging mahirap nila at kawalan ng edukasyon.
Pinigil ko ang takot at sa aking isip at lihim akong naghangad na magkaruon ng mas mabuting buhay, para bang malalampasan ko ang limitasyong dala ng takot sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bagay na aking hinahangad.
Minsan tinatakot kami ng ibang miyembro ng aming pamilya para mag-aral kami ng mabuti dahil kung kami ay hindi mag-aaral ng mabuti magiging katulong lang daw kami - mahirap at walang edukasyon.
Dahil dito nagsumikap akong mag-aral sa paaralan. Pero ang pag-aaral ay hindi naging tunay na pag-aaral at ito ay tungkol sa paghahangad ng mabuting buhay na udyok ng takot na maghirap o takot na hindi mabuhay ng matiwasay na punong puno ng pagdurusa at kalungkutan pati na ng takot na mabigo at maging mababang uri ng nilalang sa lipunang punong puno ng kompetisyon kung saan ang nananalo lamang ay iyong may mga pinag-aralan at iyong may mga Pera.
Ang mga salitang paborito/matalino/mayaman/negosyante at ang mga salitang normal/estupido/mahirap/katulong ay ang mga salitang bumubuo ng aking sistema ng paniniwala na humihilig sa kanan o sa kaliwa (positibo o negatibo) na ginagatungan ang aking Takot na Maghirap
Kapag ibinalik ko ang nakaraan dito sa sandaling ito at tiningnan ko ang pinagmumulan ng aking takot, ang nakikita ko ay ang takot ko na maging isa lang katulong - walang pinagaralan, mahirap, may sakit na walang tulong sa pangangalaga sa kalusugan, walang pagkain sa araw-araw para maging malusog ang aking katawan o ang katawan ng aking pamilya.
Ang Edukasyon ay naging isang paraan upang makakuha ng magandang trabaho, 'magkaroon' ng isang edukadong asawa na may magandang trabaho at isang 'magandang kinabukasan'.
Kaya ang aking pagnanais na magkaroon ng isang mayaman at malusog na asawa at ang aking pagnanais na matuto o magkaruon ng edukasyon ay nagmumula sa takot na maging mahirap o hindi mabuhay at takot na maging tao na may mababang uri dahil sa kahirapan at kawalan ng edukasyon.
Ito ay ako bilang isang nilalang na kathang isip lamang na nagpapasya at kumikilos mula sa panimulang punto ng takot.
Ang ating pagnanais na maging mayaman o na sa isang araw ay maging isang tao na tulad ng mga mahirap na yumaman bigla katulad nila Nora Aunor atbp.
o sundin ang mga hakbang nila Steve Jobs, Bill Gates o Oprah atbp
ay isang paraan ng pag cope sa isang hindi patas na mundo na hindi pantay-pantay ang pagtingin sa bawa't nilalang. Ang katotohanan na karamihan sa pera sa mundong ito ay nananatili sa mga kamay ng mga Bilyonaryo ay nangangahulugan na ang mga mahihirap ay kinukunan ng kanilang bahagi sa yaman na ipinamahagi sa lahat ng kalikasan at hindi ito ang pinakamabuti para sa lahat. Hindi natin gugustuhing mangyari ito dahil katulad ng nasasaksihan natin ngayon - lahat tayo ay talo sa ganitong sistema ng buhay.
Gusto nating magpanukala ng garantisadong kaligtasan ng buhay para sa lahat mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan.
Ang tunay na self-expression ay hindi tungkol sa Takot. Ito ay tungkol sa pagtatangkilik ng buhay ng lahat na nandito sa mundo.
Maaari nating baguhin ang sistema ng hindi pagka pantay-pantay dito sa mundo. Maaari nating pagsamahin ang ating lakas at lumikha ng isang 'mas mahusay na buhay' para sa lahat - simula sa Ginagarantiyang Basic / Living Income para sa mga walang kita o mahihirap.
Sa halip ng pagtanggap at pagpapahintulot sa mga tao na Maghirap at mabuhay sa pag-alis ng basura, bote at plastik mula sa 'Smoky Mountain' sa Pilipinas, bakit hindi natin sila bigyan ng kanilang bahagi sa kita ng mga korporasyon na kinuha mula sa pagbebenta ng likas na yaman ng kalikasan? Sila ay may karapatan sa kanilang bahagi dito- dahil ito ay ibinigay para sa lahat, hindi lang para sa ilang tao lamang. Binigyan ang lahat ng tao ng sapat upang mabuhay nang pantay-pantay.
Ang ekonomiya ay nasa isang pababang spiral. Ito ay nangangahulugan na hindi ito isang sistema na makabubuti para sa lahat, at ito ay kailangang baguhin.
Gamitin natin ang ating sentido kumon upang ihinto ang isang sistema na hindi na gumagana .
Ano ang halaga ng paghahangad na makapangasawa ng isang mayaman kung meron tayong sapat na pera para bilihin ang basic na pangangailangan natin para mabuhay?
Ang kahulugan ng pagkakaruon ng relasyon o pag-aasawa ay magbabago.
Ano ang dahilan na matakot tayo na hindi mabuhay kung meron tayong sapat at garantisadong sahod buwan buwan para mabuhay?
Ang takot na hindi mabuhay ay mawawala na.
Ang takot na matitira ay ang tunay at pisikal na mga takot lamang na tulad ng paglayo mula sa isang sasakyang babagsak sa poste na kinatatayuan natin.
Ano ang dahilan para matakot tayo na magginging mababa ang katayuan natin sa lipunan kung maaari tayong tumayo ng marangal dahil mayruon tayong sapat na pera upang mabuhay at maaari tayong maghanap-buhay kung gugustuhin natin?
Ang buhay ay magiging mas kasiya-siya.
Ano ang dahilan upang makipagkumpetensya tayo upang manalo o upang maging superior sa iba sa isang mundo kung saan ang mga tao ay ginagarantiyahang magkakaruon ng Basic/Living income - kung saan walang sinumang matatalo at kung saan lahat ng tao ay panalo?
Ang Buhay ay magiging tungkol sa self-expression hindi tungkol sa kumpetisyon.
Bakit kailangan naming pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho at maging malayo sa ating mga pamilya at lulunin ang abuso dahil kailangan natin ng pera ng sa gnuon ang ating mga pamilya ay may matitirahan, may makakain, may pera para makakuha ng edukasyon, may sapat na pera para magkaruon ng pangangalaga sa kalusugan atbp?
Ang kalidad ng ating buhay ay magbabago at magbabago ang ating panuntunan sa pagpili ng trabaho.
Maaari nating baguhin ang sistema na ito dahil mapagtatanto natin na ang lahat ay may pantay-pantay na karapatan sa ibinibigay sa atin ng lupa at sa ating sama-samang lakas - dahil nabubuhay tayong lahat dito sa iisang buhay na ito.
Ipanukala natin na bigyan ang mahihirap ng isang Basic / Living Income, Guaranteed at payagan din ang mga taong nais na magtrabaho, na magtrabaho para masuportahan ang kaligtasan ng buhay at igarantiya ang kaligtasan ng ating buhay at ng mga bata na ipanganganak sa mundong ito. Ito ang Solusyon sa Kahirapan sa Plipinas as sa iba pang bahagi ng mundo.
Ito ay malinaw na hindi mangyayari sa pamamagitan ng elite o ng mayayaman. Ito ay bibigkasin, isusulat at ipapatupad ng mga tao na makakakita at makakaranas ng kawalan ng katarungan sa isang sistema na base sa hindi pagkakapantay-pantay ng lahat at kung paano ito nakakaapekto sa ating buhay at sa buhay ng lahat ng tao sa mundo, mapagtatanto natin na hindi ito ang pinakamamabuti para sa lahat at sa sistemang ito makikita natin na dito, ltayong lahat ay talo.
Kapag ang lahat ng tao na mahirap ay nakakakuha na ng basic/living income at ang mga biased na salitang ginagamit natin na natutunan natin sa ating mga magulang batay sa ating interpretasyon ng katotohanan sa loob ng ating mga isip at ang kahulugan ng mga ito ay naitama na natin o naibalik a natin sa punto ng integridad upang magdulot ng isang balanseng buhay, magkakaruon ng pagbabago sa mundo.
Quote:
Within the Natural Learning Ability Restoration where the Vocabulary of the Human is Restored to Integrity so that the Words everyone is Living are based on a Balanced Life that is Realized under the principle of ‘Give as You would like to Receive’ – which is a measurable Living Structure – World Change will happen Naturally. - Creations JTL
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.